Yes! I also write poems believe it or not! ^_^
LIHIM NA PAGTINGIN
(by: Mark Atas)Mahirap mag bulag-bulagan sa
isang katotohanan.
Pilit kong nilalayuan pero kay
hirap iwasan.
Ako'y nagulohan sa aking naramdaman,
Ikaw nga ba ang laman o ito'y
isang kalokohan.
Bakit ganito ang nararanasan
Para bang ako ay inoorasan
Paano na kapag ika'y lumisan
Ako'y iiwan, mag isang luhaan
Hiling ko lang huwag akong kalimutan
dahil ating pinagsamaha'y hindi biruan
Ang tulang ito'y aking pinag-isipan
kahit na may konting kabaduyan
Ito naman ay galing sa kalooban
Para iyong malaman at sa mundo'y
aking ipagsigawan
Kung gaano kita kamahal
Aking Kaibigan
BABAENG ALIW
(by: Mark Atas)Isang gabing tahimik, sa gilid ng kalsada
Isang babaeng kay ganda, ang aking nakita
Gayak na gayak at humahalimuyak
Kumikinang ang perlas sa may leeg at tenga
Mapulang labi at pisngi
na pilit ngumingiti...
Kaagad kong nilapitan at aking nasulyapan
Babaeng aliw pala, ang nasa harapan
Sa di malamang dahilan, aking napagmasdan
Luha sa kanyang mata, agad niyang pinunasan
Isang munting angel ang sa kanya'y lumapit
At biglang yumakap ng napakahigpit
Sa gilid ng estero, sila ay nagsalo
Pansit na mainit, agad nilang isinubo
Aking nasaksihan ang tunay na dahilan
Na kahit kahihiyan ay pilit niyang lalabanan
Mapunan lamang panandalian
Ang kumakalam na tiyan
Para sa karamihan, sila ay dumi ng lipunan
Kinakalakal at binebenta ang laman
Hinuhusgahan at pinagtatabuyan
Ng mga taong, sinasabing may pinag aralan
90's Hits
(by: Mark Atas)
Lumang tugtugin aking pinapakinggan
Nauso noong panahon ng aking kabataan
Hanggang ngayon astig parin sila
Pumapalakpak pati ang aking tenga
Pakiradam ko'y sumisigla
Sa mga awiting akala ng iba'y laos na
Kahit ilang dekada pa ang lumipas
Mga 90's hits hinding hindi kukupas
Naalala nyo pa ba ang Eraserheads at Rivermaya
The Dawn, Introvoys at iba pa
Sila dapat ang tularan ng mga bagong salta
Pagkat musika nila'y kailanman hindi mawawala
Kaya kaibigan ako'y iyong samahan
Kasama ang buong tropa tayo'y mag Jam
Hindi pwedeng walang kasabay
Kelangan tayo ay tumatagay
Sa trip na ito kayo ay sumabay
Kantahan tayo hanggang mawalan ng malay.
INIIROG (part 2)
(by: LVC & Mark Atas)Unang nakita kita sa malayuan
Agad agad akong kinabahan
Sa waring ako na namay may kababaliwan.
At susuyuin ng walang patumanggan
Nilapitan kita't akoy nagpakilala
Sa isang dyosang sa aki'y biglang sinasamba!
Pagka't kabaliktaran ng ma-aasahan
Sa tulad mong ubod ng kapangitan
Nguni't di ko pinansin na ika'y ganyan
Basta't tapat na pag-ibig ang aking maa-asahan
At di ko inantala ang iyong pagkululang
Basta't puso mo'y busilak at may kagandahan
Di ko alintana na balat moy uring naagnas
Sa kurikong at buni na may nanang tumatagas
Pati buhok mong naninikit sa dumi at maligasgas
Sa amoy palang pati'y kuto'y tumatakas
Mangha rin ako sa mga ngipin mong butas-butas
Sa kapal ng pagka-dilaw pati langaw ay nadudulas
Hininga mong masansang naa-amoy ng madalas
Lahat nang masalubong natin hawi mo ang ating landas
Ewan ko kung bakit ako nabighani
sa kapangitan mong katangi-tangi
Di alintana ang punang nakakbingi
Kung bakit daw ako umibig sa isang masamang guni-guni!